Ni: Post. Ronil Acupinpin
Lima para sa Limang libong tao,
Dalawa para sa Ating pagsasalo,
Maliit na Mayroon ako, subalit
Malaki na Mayroon ang Diyos.
Naalala ko noong bata pa ako, palagi kong naririnig ang Ebanghelyo tungkol sa pagpapakain ni Hesus sa limang libong tao gamit lamang ang limang tinapay at dalawang isda. Palagi kong itinatanong sa sarili ko, ‘Paano kaya iyon naging posible?’ Mahirap para sa akin na maunawaan ito noong una.
Ngunit habang lumalaki ako, naaalala ko kung paano palaging ibinabahagi ng aking mga magulang ang maliit na pagkaing mayroon kami sa ibang tao, kahit na tila hindi pa ito sapat para sa aming sariling pamilya. Sa kabila nito, palagi kaming pinaglalaanan ng Diyos, at kailanman ay hindi kami nagutom.

Bilang isang postulant, ang Ebanghelyong ito ay isang paalala sa akin na lalo pang magtiwala sa Diyos at magkaroon ng bukas-palad na puso. Kapag inialay ko ang kahit maliit na mayroon ako nang may pananampalataya at pagmamahal, magagamit ito ng Diyos upang maging pagpapala sa maraming tao.
Leave a comment