‘TAPAK DATAPWAT SA ALON’

Pagninilay ni: Post. Christian Anthony Belina May mga pagkakataon na tinatanong ko ang aking sarili: hanggang saan at kailan nga ba ako magkokompyansa? Hindi ba’t natural o likas lamang sa isang tao ang mangamba at matakot? Subalit sino ako upang ihambing ang aking kahinaan sa kalawakan ng pagmamahal ng Panginoon? Ano at sino ako upang…

Pagninilay ni: Post. Christian Anthony Belina

May mga pagkakataon na tinatanong ko ang aking sarili: hanggang saan at kailan nga ba ako magkokompyansa? Hindi ba’t natural o likas lamang sa isang tao ang mangamba at matakot?

Subalit sino ako upang ihambing ang aking kahinaan sa kalawakan ng pagmamahal ng Panginoon?

Ano at sino ako upang manatili sa aking pagdududa, kung bago pa man ako magsimulang lumakad ay nauna na Siyang tumapak para sa akin?

Sa linggong ito, ipinapaalala sa atin ni Hesus na walang pagdududang mas malalim kaysa sa karagatan ng Kaniyang awa at pagmamahal.

Datapwat, ang hinihintay lamang Niya ay ang ating pagtitiwala, pagtalima, at pagtugon upang maglakas-loob ding lumakad sa kabila ng nagsisilakihang alon at malalakas na hangin.

Kaya naman, ito ang lumalagablab na tanong na nais kong iwan sa aking sarili at sa bawat isa sa atin:

Maglalakas-loob din ba akong lumakad sa gitna ng mga alon at hangin, tulad ni Pedro?

Tags:

Leave a Reply