MAGPATAWAD NANG WALANG KATAPUSAN

Matthew 18:21-35 || Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay ni: John Vincent Oraño-Gealon Sa makamundong perspektibo, ang pagbibigay ng kapatawaran sa iba ay mahirap at limitado. Ngunit, sa ating ebanghelyo ngayon, sabi ni Hesus na dapat tayong magpatawad “pitumpung ulit na pito.” Sa madaling salita, ang pagpapatawad ay dapat “walang katapusan.” Dito sa seminaryo, may…

Matthew 18:21-35 || Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon

Pagninilay ni: John Vincent Oraño-Gealon

Sa makamundong perspektibo, ang pagbibigay ng kapatawaran sa iba ay mahirap at limitado. Ngunit, sa ating ebanghelyo ngayon, sabi ni Hesus na dapat tayong magpatawad “pitumpung ulit na pito.” Sa madaling salita, ang pagpapatawad ay dapat “walang katapusan.

Dito sa seminaryo, may mga panahong hindi kami nagkakaunawaan ng aking kapwa seminarista. Gayunpaman, hinding-hindi ko parin nakakalimutang magpatawad. Mahirap man, ngunit ito’y mahalaga. Marapat lamang na ako’y marunong magpatawad dahil alam ko sa sarili ko na ako’y makasalanan at nangangailangan din ng kapatawaran mula sa iba, at lalong-lalo na sa Diyos.

Sa huli, bakit ko pa ipagdadamot sa iba ang bagay na kailangan ko sa Diyos? Nawa’y masunod ko pa ng buong puso ang utos ng Diyos na magpatawad nang walang katapusan.

Amen.

Tags:

Leave a comment